Sisid
Lumiliwanag na buwan Sa gitna ng kadiliman Sa kalalim-laliman Ng malawak na karagatan Kung nais mong alamin Kung nais mong tuklasin Mga sikreto kong damdamin Ang dulo'y iyong sisirin © kittisun kittayacharoenpong / Getty Images Akala mo ba Wala kang makikita Aba, aba Huwag na huwag kang mabibigla Pagkat sa pagbuka ng liwayway Magliliwanag ang iba't ibang kulay Ng mga isdang buhay na buhay Sige, abutin mo nga ng 'yong kamay? Huwag nang mahiya Binwitin. Lutuin. Kainin. Ubusin. Simot-simutin. Hanggang sa wala nang matira, sa aking damdamin Copyright, Raymond M. Andes. 29 February 2024 All rights reserved